^

Metro

Lalaki patay sa forklift

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 45-anyos na lalaki makaraang magulungan ng isang forklift machine matapos na hindi umano mapansin ng operator ang biktima, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nagtamo ng matitinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Edgardo Aniceto, ng 9th St., 7th Avenue, Caloocan­ City habang sumuko naman ang forklift operator na si Gil Estanislao, 56, ng Calumpit, Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi sa loob ng Span Asia Carrier Corporation na nasa H. Lopes St., North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Nabatid na kapwa abala sa kani-kanilang trabaho sina Estanislao at Aniceto na empleyado rin ng Span Asia nang hindi umano napansin ng una ang biktima at huli na nang mahinto niya ang minamanehong forklift.

Nahaharap naman ngayon ang suspect sa kasong homicide thru reckless imprudence.

vuukle comment

ANICETO

BULACAN

CALOOCAN

EDGARDO ANICETO

GIL ESTANISLAO

LOPES ST.

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

SPAN ASIA

SPAN ASIA CARRIER CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with