^

Metro

Dahil sa maingay, kelot patay sa suntok ng kapitbahay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Nauwi sa trahedya ang pagkakantahan ng isang mag-live-in partner matapos masawi ang lalaki nang suntukin at mahulog sa barrier ng Del Pan Bridge ng kanyang kapitbahay na nag-ugat dahil sa malakas na pagpapatugtog ng videoke sa kanilang lugar sa Del Pan, Binondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Diony Olivar, helper at residente ng Lavezares St., Binondo, Manila dahil sa pasa at galos na tinamo sa ulo bunsod ng pagkabagsak sa sementadong kalsada.

Pinaghahanap naman ang tumakas na suspect na kinilalang si Rodel Sadodong, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw nang mahulog mula sa barrier ng Del Pan Bridge ang bik­tima kung saan nakadikit ang kanilang bahay kasunod ng panununtok ni Sadodong.

Nabatid na dakong alas-2 ng madaling-araw pa lamang nang sitahin ng isang alyas “Shane”, live-in partner ni Sadodong, ang biktima at live-in nitong si Dina Natividad, 19, dahil sa nakabubulahaw umano ang malakas nilang pagkakantahan sa loob ng kanilang bahay, su­balit hindi pa rin nagpaawat ang mga ito.

Hindi nagtagal, nagalit ang biktima, lumabas ng bahay at umakyat sa barrier at doon nagsisigaw at kinompronta umano si Shane, na lingid sa kaalaman niya ay umakyat din si Sadodong at bigla siyang sinuntok hanggang mahulog at mamatay.

vuukle comment

BINONDO

DEL PAN

DEL PAN BRIDGE

DINA NATIVIDAD

DIONY OLIVAR

LAVEZARES ST.

MAYNILA

RODEL SADODONG

SADODONG

SHANE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with