^

Metro

Metro Manila hindi apektado ng LPA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Walang epekto sa Metro Manila ang namataang Low Pressure Area (LPA) kung kaya patuloy na makakaranas ng maaliwalas na panahon ang publiko.

Ayon kay Leny Ruiz ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astrono­mical Services Adminis­tration (Pagasa), mas na­apektuhan ng LPA ang bahagi ng hilagang Luzon at pag nagtuluy-tuloy ito ay maaring tumawid sa Central Luzon area kaya magiging maulan dito sa loob ng 24 oras.

Kahapon, namataan ang namumuong sama ng panahon 80 kilometers sa hilagang bahagi ng Legaspi City. 

Sinabi ni Ruiz na hindi pa inaasahang magiging bagyo, pero magbibigay ito ng mga masamang panahon o pag-ulan sa naturang lugar.

Aniya, wala namang ina­asahang pag-ulan pagsapit ng Pasko, dahil ang weather system na nakaka-apekto sa bansa ngayong Disyembre ay ang tail end ng cold front na ang apek­tado ay ang Luzon hanggang Visayas at ang inter-tropical convergence zone sa Min­danao.

Dahil dito, mas dapat na asahan ang paglamig ng panahon lalo na sa hilagang-silangan ng Luzon kung saan unti-unti nang nararanasan ang malamig na panahon hanggang sa Metro Manila.

Ang malamig na panahon ay patuloy na marara­nasan sa susunod na taon at ang pinakamataas na temperatura ay mararamdaman anya sa kalagitnaan ng Enero o unang linggo ng Pebrero.

vuukle comment

CENTRAL LUZON

GEOPHYSICAL AND ASTRONO

LEGASPI CITY

LENY RUIZ

LOW PRESSURE AREA

LUZON

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

SERVICES ADMINIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with