^

Metro

Kelot na nagtanggol sa kinakasama, inutas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang 22-anyos na lalaki ang nasawi makaraang barilin ng isa sa limang kalalakihan na nambastos sa kanyang kina­kasama ka­hapon ng umaga sa Na­votas City.

Patay na nang idating sa  Pagamutang Lungsod ng Malabon (PLM) sanhi ng tina­mong tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktimang si Alvin Arejeza, ng Chungkan St., Brgy. Tanza ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ngayon ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa limang mga suspek na ang isa ay kinilala lamang sa alyas na Artem. 

Base sa nakalap na impor­masyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng umaga sa Kalatsusi St., Mer­ville Subd., Brgy. Tanza.

Nabatid na  kasalukuyang naglalakad ang biktima sa naturang lugar kasama ang live-in partner nito na hindi na binanggit ang pangalan nang masalubong ang  limang suspek.

Binastos ng mga  suspek ang babae na ipinagtanggol naman ng biktima ngunit bago pa makapanlaban si Arejeza ay mabilis na bumunot ng baril si Artem at walang sabi-sabi itong pinaputukan.

vuukle comment

ALVIN AREJEZA

AREJEZA

ARTEM

BINASTOS

BRGY

CHUNGKAN ST.

KALATSUSI ST.

PAGAMUTANG LUNGSOD

TANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with