^

Metro

Motorsiklo salpok sa van, 1 patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi habang dalawa sa mga backride nito ang sugatan nang magsalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo at isang van sa may intersection ng Mindanao Avenue at Quirino Highway, sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Dead on-the-spot ang biktimang si Trisco Agustin, 21, ng Ibayao 2, Bagbag, Novaliches sa lungsod. Habang ginagamot naman sa Quezon City General Hospital ang mga sugatang sina Joeben Daguil; at Jerome Roquio, kapwa ng Bagbag, Novaliches.

Arestado naman ang suspect na si John Frederick dela Cruz, 19, binata estudyante ng Dolmar Subd., Llano, Novaliches Caloocan city.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa may Mindanao Avenue at Quirino Avenue, Brgy. Talipapa ganap na ala-1:05 ng madaling-araw. Minamaneho ni Dela Cruz ang kanyang Toyota Estima Lucida van (RDP-883) sa nasabing lugar galing sa North Avenue patungong Valenzuela habang sakay naman ang mga biktima ng isang Suzuki motorcycle galing Novaliches patungong Balintawak nang pagsapit sa nasabing lugar ay magsalpukan ang mga ito.

Sa lakas ng impact, napinsala ang katawan ni Agustin na agad na ikinamatay nito habang ang dalawa pang backride nito na nagtamo ng mga pasa at sugat sa katawan ay dinala sa nasabing pagamutan.

BAGBAG

DELA CRUZ

DOLMAR SUBD

JEROME ROQUIO

JOEBEN DAGUIL

JOHN FREDERICK

MINDANAO AVENUE

NORTH AVENUE

NOVALICHES

NOVALICHES CALOOCAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with