^

Metro

Rambulan ng magkakamag-anak: 1 todas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang karpintero ang na­sawi habang dalawa pa ang nasugatan nang mag­wala ang una at mauwi sa ram­bulan ang kanilang pag-iinuman sa lungsod Quezon kamakalawa.

Tadtad ng saksak sa ka­tawan ang agad na tumapos sa buhay ng biktimang si Julieto Arcilla, 32, binata ng Astor St., North Fairview Sub­division, Brgy. North Fair­view sa lungsod.

Habang sugatan naman ang kapatid nito na si Doter­tino Arcilla, 22; at bayaw na si Nick Austria, 40, na nag­tamo naman ng saksak sa ulo.

Nangyari ang insidente habang nag-iinuman ang naturang magkakamag-anak sa harap ng kanilang bahay sa nasabing lugar pasado alas-10 ng gabi.

Ayon sa ulat nasa kasa­ra­pan ng inuman ang mga ito nang biglang magbitaw umano ng masasamang salita si Julieto sa kanyang kapatid at bayaw.

Dito na nagkaroon ng ma­initang pagtatalo hanggang sa magwala si Julieto at mag­bunot ng patalim, saka iwina­siwas sa dalawa.

Nang tangkaing awatin ng dalawa si Julieto ay lalo itong nagalit hanggang sa mauwi sa pagpapambuno sa patalim at tuluyan nang masaksak niya ang mga una na dito na nag­rambulan ang mga ito na ikinasawi ni Julieto at ikina­su­gat ng dalawa.

vuukle comment

ARCILLA

ASTOR ST.

AYON

BRGY

JULIETO

JULIETO ARCILLA

NICK AUSTRIA

NORTH FAIR

NORTH FAIRVIEW SUB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with