^

Andal Sr., di kailangang magtagal sa ospital

- Ni Angie dela Cruz () - July 15, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi umano nangangailangan ng matagalang confine­ment sa ospital si Andal Ampatuan Sr., isa sa mga akusado sa Maguindanao massacre.

Ito ang rekomendasyon ni Brig. Gen. Ariel Zerrudo, commander ng AFP Medical Center, sa isinu­mite nitong ulat kay QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes matapos ang tatlong araw na check-up ni Andal Sr. sa kanilang pasilidad kama­kailan. Dahil dito, humina ang tsansang mapagbigyan ng korte ang hiling ni Andal Sr. na manatili sa isang airconditioned na kuwarto ng pagamutan.

Sa kanyang report, sinabi ni Zerrudo na hindi naman seryoso ang mga inirereklamong sakit ni Andal Sr. kaya hindi na kailangang manatili ito ng matagal sa ospital. Magaling na umano ang herpes zoster o isang uri ng sakit sa balat ni Andal Sr. at kontrolado na raw ang chronic obstructive pulmonary disease nito pati na ang kanyang diabetes. Si Andal Sr. ay naibalik na sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan Taguig noong hapon ng Biyernes.

ANDAL ANDAL AMPATUAN SR. ANDAL SR. ARIEL ZERRUDO BICUTAN TAGUIG BIYERNES CAMP BAGONG DIWA JUDGE JOCELYN SOLIS REYES MEDICAL CENTER SI ANDAL SR.
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with