^

Metro

2 motorsiklo inararo ng dump truck: 1 utas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 19-anyos na dalaga habang sugatan ang dalawang iba pa matapos salpukin ang magkahiwalay na sinaksakyan nilang mga motorsiklo ng isang dump truck sa Quezon City, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU) nakilala ang nasawing biktima na si Criselda Dumarang 19; at residente ng Igmidio St. Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Samantalang naka-confine naman sa MCU Hospital ang dalawang sugatang biktima matapos magtamo ng pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan na sina Jayson Dela Cruz 22; mekaniko, driver ng Yamaha Motorcycle (UN-6049) at naninirahan sa Valenzuela City; at Si Erwin Sanchez 30; driver ng Suzuki Motorcycle (1825-PD).

Arestado naman ang suspect na si Armando Reyes 35; at nakatira sa Cogeo Antipolo City. Base sa report ng QCPD-Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente sa kahabaan ng North Diversion Road cor. Brgy. Unang Sigaw ng naturang lungsod ganap na alas-10:40 ng umaga.

Binabagtas ng Isuzu Dump truck (UID785) na minamaneho ng suspek ang nasabing lugar nang bigla na lamang mawalan   ng kontrol sa preno saka sumalpok sa motorsiklo na sinasakyan naman ng mga biktima. Sinasabing si Dumarang ay angkas ni Dela Cruz nang maganap ang sakuna.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mga drayber ng motorsiklo gayundin ang angkas na dalaga. Ngunit sa kabila nito patuloy sa pag-andar ang truck kung saan sumalpok pa ulit ito sa sinusundan nitong Isuzu Mixer truck (RGG 775) na minamaneho ni Emer Tinga 26, bago tuluyang huminto.

Sa kasalukuyan ay sinampahan na ang suspek ng kasong reckless imprudence resulting to damage to property with homicide and serious physical injuries ng mga tauhan ng QCPD-TEU.

vuukle comment

ARMANDO REYES

COGEO ANTIPOLO CITY

CRISELDA DUMARANG

DE LEON

DELA CRUZ

EMER TINGA

IGMIDIO ST. GEN

ISUZU DUMP

ISUZU MIXER

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with