^

Metro

Binaril sa harap ng nobya: Lalaki patay sa holdap

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Makaraang tumanggi na ibigay ang kanyang cell­phone, isang 21-anyos na lalaki ang binaril at pinatay ng mga holdaper sa harap ng kanyang nobya kaha­pon ng madaling-araw sa Ca­loocan City.

Dead-on-arrival sa Pre­si­dent Diosdado Memorial Medical Center (PDMMC) si Joseph Chua, ng no. 38-D L. Nadurata St., 6th Ave., ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril.

Batay sa imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa kahabaan ng L. Nadurata St., kanto ng 8th at 9th Avenue.

Naglalakad ang biktima kasama ang kasintahan na si Catherine Quiling nang biglang harangin ng dala­wang hindi nakilalang salarin na armado ng pa­talim at baril.

Agad na nag­deklara ng holdap ang mga suspect ngunit nan­laban ang bik­tima na na­ging da­hilan upang barilin ito ng una.

Isang manhunt operation naman ang isinasa­gawa ng mga awtoridad upang ma­tukoy at madakip ang dala­wang hindi nakila­lang suspect na mabilis na tumakas matapos ang pa­mamaril.

vuukle comment

BATAY

CATHERINE QUILING

D L

DIOSDADO MEMORIAL MEDICAL CENTER

ISANG

JOSEPH CHUA

MAKARAANG

NADURATA ST.

NAGLALAKAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with