^

Metro

Atienza umarangkada sa debate

-

MANILA, Philippines - Nilamon ni mayoralty candi­date Lito Atienza si Mayor Al­fredo Lim sa ginanap na debate sa Manila Polo Club na inor­ga­nisa ng Rotary Club of Manila.

Sa halos humigit-kumulang sa sampung katanungang inihanda para sa dalawang kandidato ng Rotary sa pangu­nguna ng chairman ng panel na si Tony Lopez, mga miyembro nito na sina dating press secretary Rod Reyes at Chito Saldiriaga, halata na hindi alam ni Lim ang kanyang isinasagot.

Sa pasimula pa lamang ng debate ay inilatag na ni Atienza ang kanyang mga plano sa lungsod sa sandaling muli siyang maluklok kabilang dito ang muling pagpapaganda at pagsasaayos ng Maynila na napabayaan ng halos tatlong taong panunungkulan ni Lim at muling pagbuhay sa “Buhayin ang Maynila” program part 2.

Itinanong ng panel kay Atienza at Lim ang “what makes you think you are a better mayor”, mabilis na ibinida ng dating alkalde ang kanyang pagiging 3 time elected bilang Mayor na isang breaking the re­cord sa kasaysayan ng Maynila.

Lumitaw sa isinagawang debate, suportado ng class A at B ng lipunan  dahil sa masi­gabo nilang palakpakan sa mga sina­sabi ng dating kalihim ng DENR.      

“Ang mga mama­mayan ay naghihirap sa nga­yon, ma­raming mga walang trabaho. Buhayin ang Maynila part 2 is the only way. We have to be re­­vitalized.” sabi pa ng dating kalihim ng DENR.

vuukle comment

ATIENZA

BUHAYIN

CHITO SALDIRIAGA

LITO ATIENZA

MANILA POLO CLUB

MAYNILA

MAYOR AL

ROD REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with