^

Metro

Basurero dedo sa ligaw na bala

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang ba­surero matapos tamaan ng ligaw na bala nang ma­pa­daan ito sa dala­wang grupo ng nagra­rambulang ka­bataan habang papauwi sa kan­yang bahay sa Brgy. Bagong Silangan sa lung­sod Quezon kama­ka­lawa.

Si Alfredo Abcas, 53, ng Area 5, Sitio Veterans, ng nasabing barangay ay nagawa pang maisugod sa FEU hospital ngunit hindi na umabot pang buhay.

Naganap ang insi­den­te sa may Sitio Bakal ng na­sabing barangay ganap na alas-5:30 ng hapon.

Sa inisyal na pagsi­siya­sat ng pulisya, papa­uwi na umano ang bik­tima buhat sa panganga­lakal nang ma­daanan nito ang dala­wang grupo ng kaba­ta­ang nagkaka­gulo at nag­papa­litan ng putok. Dahil dito, nasapol ng ligaw na bala sa likuran ang biktima kung kaya agad itong bumulagta sa kalye, habang nagpa­nak­­buhan naman papa­layo ang mga nasabing grupo. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BAGONG SILANGAN

BRGY

DAHIL

NAGANAP

PATAY

RICKY TULIPAT

SHY

SI ALFREDO ABCAS

SITIO BAKAL

SITIO VETERANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with