^

Metro

Gusali ng banko nasunog

-

MANILA, Philippines - Nasunog ang gusali ng banko matapos sumabog ang bagong istelasyong power supply kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9:20 ng gabi nang mamataan ng mga security guard na sina SG Trajano at Adviento ang makapal na usok na nagmumula sa sinasabing gusali ng Banco de Oro sa panulukan ng Makati Avenue at Dela Costa Street. Sinundan ito ng pagsabog mula sa basement 3 ng parking area kung saan patuloy na naglagablab.

Kaagad namang rumesponde ang Special Weapon Action Tactical (SWAT) Team ng Makati City PNP maging ang mga tauhan ng pamatay-sunog.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang maapula ang sunog kung saan lumalabas sa imbesti­gasyon na sumabog ang bagong power supply.

Wala namang napaulat na may nasugatan sa in­sidente kung saan inaalam ng mga awtoridad ang halaga ng pinsala. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADVIENTO

DAKONG

DELA COSTA STREET

KAAGAD

LORDETH BONILLA

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

NASUNOG

ORO

SPECIAL WEAPON ACTION TACTICAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with