^

Metro

Nene hinalay ng textmate

-

MANILA, Philippines - Nabuko ang ginawang panghahalay ng isang binatilyo sa ka-texmate nitong nene dahil lamang sa kiss mark, kamakalawa sa Caloocan City.

Inaresto ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Jun, 17, ng Velasco st., ng lungsod na ito. Sa reklamo sa pulisya ng biktima na itinago sa pangalang Mimi, 13, ng Brgy. Ugong, Valenzuela City, nakilala niya sa text ang suspek at napagka­sunduan magkita kamakalawa ng tanghali sa 4th Avenue, Caloocan City .

Niyaya ng suspek ang biktima sa kanilang bahay na pinagbigyan naman ng huli subalit nang magga­gabi na at uuwi na ang dalagita ay hindi ito pinayagan ni Jun sabay tutok ng patalim.

Dinala sa kuwarto ang dalagita at habang naka­tutok ang patalim ay nagawang mahalay ni Jun ang biktima. Magdamag na pinagsamantalahan ng suspek ang biktima at kinaumagahan lamang ito pinayagang makauwi.

Pag-uwi ay agad na tinanong ng mga magulang ang biktima kung saan ito nanggaling hanggang sa mapansin ang mga tsikinini nito sa leeg. Pinagtapat na ng biktima ang kanyang sinapit sa suspek na naging dahilan upang samahan sa presinto ang dalagita at ipinadakip ang suspek. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

CALOOCAN CITY

DINALA

INARESTO

LORDETH BONILLA

MAGDAMAG

MIMI

NABUKO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with