^

Metro

Tinedyer inutas dahil sa juice

-

MANILA, Philippines - Nagwakas ang ilang taong pagiging matalik na magkaibigan ng dalawang tinedyer matapos na mauwi sa pana­naksak ang simpleng pagtatalo na ikina­matay ng isa sa kanila habang nag-iinuman sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Benjamin Elenzano Jr, hepe ng Criminal Intelligence and Detective Unit ng Quezon City Police, ang nasawi na si Richie Ocate, 19, ng Block 2,Marcos Compound, Borja Street, Brgy. Pasong Tamo sa nabanggit na lungsod.

Agad namang naaresto ang suspek na si Vincent Cutia, 18, at pormal na kakasuhan habang nakapiit sa himpilan ng CIDU sa Camp Karingal.

“Sa sobrang pagkakaibigan ng dalawa, nanghihiraman pa daw ng brief ang mga ito, kaya marami sa kapitbahay nila ang nagtataka kung bakit nangyari na may napatay,” ayon kay PO2 Hermogenes Capili.

Naganap ang krimen pasado alas-11 ng gabi sa may harap ng Evelyn Ginago Store sa nabanggit na lugar.

Nabatid na magkasamang nag-iinuman ng dalawa at ilang kaibigan nang nagkakaasaran kung saan nauwi sa pagtatalo nang masagi ng suspek ang tseser na juice at matapunan ang biktima.

Sa galit ng biktima ay itinaob nito ang mesa na pinaglalagyan ng alak at pulutan, sanhi upang magalit ang suspek kung saan muntik nang magkasuntukan ng dalawa,subalit naawat ng mga kainuman.

Dahil dito, nagpasya ang suspek na umalis, ngunit ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay muling bumalik na may hawak nang patalim.

Mula sa likuran ay inakbayan ng suspect ang biktima saka tinarakan ito ng saksak sa leeg at idineklarang patay sa East Avenue Medical Center. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BENJAMIN ELENZANO JR

BORJA STREET

CAMP KARINGAL

CHIEF INSP

CRIMINAL INTELLIGENCE AND DETECTIVE UNIT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EVELYN GINAGO STORE

HERMOGENES CAPILI

MARCOS COMPOUND

PASONG TAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with