^

Metro

P13.5-mil­yong cocaine narekober ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Narekober ng mga ta­uhan ng National Bureau of In­vestigation (NBI) sa Eastern Samar ang may P13.5 mil­yong halaga ng cocaine na pinaniniwalaang bahagi ng large shipment ng illegal drugs buhat sa South Ameri­can-based inter­na­tional drug syndicate.

Sa press conference na isinagawa kahapon sa NBI headquarters, sinabi ni De­puty Director Victor Bessat, hepe ng NBI Re­gional Opera­tions Services, malaki ang kanilang pani­wala na ang tatlong bricks ng cocaine na narekober ay itinapon sa dagat ng sin­dikato matapos na ma-intercept ang kanilang fishing vessel sa Hong Kong.

Sa ulat na ipinadala kay NBI Director Nestor Manta­ring ni NBI-Eastern Visayas Regional Office (EVRO) Director Antonio Pagatpat, bukod sa mga naunang narekober na high grade cocaine sa iba’t ibang lugar sa Eastern Samar, may mga mangingisda umanong hindi nagsurender ng na­sabing droga, ayon sa na­kalap nilang impormasyon.

Agad namang bineripika ang impormasyon at agad na ring nagpakalat ng NBI agents sa Salcedo, Samar, upang matukoy ang sina­sabing droga.

Nakipagtulungan ang lokal na awtoridad, NBI at lokal na sangay ng Philip­ pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsa­lakay at narekober ang 3 bricks ng nasabing droga na selyado at nakasilid sa isang kahon na tumitimbang ng ma­higit isang kilo.

Sinaksihan at minarka­han ang mga nakumpiskang high-grade cocaine sa pre­sen­siya ng mga local na awtoridad.

Patuloy pa umano ang pag-iimbestiga sa lugar upang mahanap pa ang sina­sabing mga kasabay na droga na ibinato sa dagat sakay ng dayuhang barko na ginamit ng sindikato.

Bibigyan naman ng pa­buya ng Department of Justice (DOJ) ang sinumang magsasauli sa pamahalaan ng high grade cocaine na ka­sama sa narekober ng NBI. (Dagdag na report ni Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR ANTONIO PAGATPAT

DIRECTOR NESTOR MANTA

DIRECTOR VICTOR BESSAT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EASTERN SAMAR

EASTERN VISAYAS REGIONAL OFFICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

NBI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with