^

Metro

1 PATAY, 1 SUGATAN: Vendor inatado ang 2 kostumer

-

MANILA, Philippines - Sa pag-aakalang nina­na­ka­wan siya ng panin­dang isda, pinagsasaksak ng isang fish vendor ang dalawa nitong kos­tumer kung saan isa ang patay habang isa naman ang ma­lubhang nasugatan sa lungsod Quezon, kamaka­lawa.

Nasawi habang ginaga­mot sa Orthopedic Hospital ang biktimang si Ariston Pe­laez, alyas “Aries”, truck helper at stay-in sa LPA Truck­ing Service na mata­tagpuan sa Brgy. Teresita sa lungsod. Habang ang kasamahan nito na si Jay-Jay Sonio, 19, ng na­sabi ring lugar ay gina­gamot naman sa East Avenue Medical Center dahil sa ma­tinding su­gat na natamo sa ka­tawan.

Mabilis namang tuma­kas at ngayon ay tugis na ng awto­ridad ang suspek na si Domi­nic Villabrille, 23, ng 75 Iba St., Brgy. Sta. Rita sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nang­yari ang insidente sa loob ng Suki Market na nasa Mayon St., ng nasabing ba­rangay ganap na alas-6 ng gabi.

Bago ito, namimili umano ng isda ang mga biktima sa nasabing pa­lengke nang ma­daan ang mga ito sa tinda­han ng suspek. Dahil may nahulog na isda sa lapag, pinulot ito ng mga biktima sanhi upang aku­sahan ang mga ito ng suspek na nagna­nakaw ng kanyang pa­ninda. Nauwi ito   sa ma­ini­tang pagtatalo sa magka­bilang panig.

Nasa kainitan ng pagta­talo nang dumampot ng kut­silyo ang suspek at inun­dayan ng saksak si Pelaez sa sikmura sanhi upang agad na bumu­lagta ito. Matapos saksakin si Pelaez sinunod naman ng suspek si Sonio na nag­tamo ng saksak sa dibdib, bago mabilis na tumakas.

Agad namang itinakbo ang dalawang biktima sa Ortho­pedic hospital kung saan bina­wian ng buhay si Pelaez. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARISTON PE

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

IBA ST.

JAY-JAY SONIO

MAYON ST.

ORTHOPEDIC HOSPITAL

PELAEZ

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with