^

Metro

Binata sinamurai ng tiyo , todas

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 34-anyos na binata matapos na pagta­tagain ng samurai ng sarili niyang tiyuhin na nagalit makaraang palayasin ng una ang huli sa kanilang tinu­tuluyan sa La loma, Quezon City kamakalawa.

Nakilala ang nasawing biktima na si Edwin Barcela, 34, sales representative at residente ng Ipa St., corner Calamba St., Brgy. Salvacion sa lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Valentino Go, 52, at nanunuluyan sa bahay ng biktima.

Ayon sa report, nag-ugat ang pananaga nang pala­yasin umano ng biktima ang suspek sa kanilang tinutu­luyang bahay sa nasabing lugar ganap na alas-10:30 ng gabi. Sinabi ng testigong si Jayjay Bernardo, ba­rangay tanod, bago ang insidente nagpunta umano sa kanilang barangay ang dalawa para ayusin ang kanilang problema kaugnay sa pananatili ng suspek sa bahay ng biktima.

Sa naturang kasunduan ay pumayag ang suspek na umalis sa bahay ng biktima kung bibigyan siya nito ng pera para panggastos.Pumayag naman ang biktima hanggang sa samahan ang dalawa ng barangay tanod na si Bernardo pabalik ng kanilang bahay para mag-impake na ang suspek.

Dito, habang nakatayo ang biktima sa pintuan ng kanyang bahay at hinihintay ang suspek, bigla na lamang sumulpot ang huli bitbit ang isang sumurai at patraydor na inatake ng taga ang una sa katawan. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARESTADO

AYON

BIKTIMA

CALAMBA ST.

EDWIN BARCELA

IPA ST.

JAYJAY BERNARDO

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

VALENTINO GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with