^

Metro

Lasing nagbigti sa kalsada

-

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang lasing na lalaki ang sariling buhay makaraang magbigti ito sa isang eskinita malapit sa kani­yang bahay sa hindi mabatid na dahilan kahapon ng ma­daling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Lorenzo Sernicula, 51 anyos, tricycle driver, at residente ng no. 2575 M. Dela Cruz Street sa naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay police, dakong alas-12:15 ng mada­ling-araw nang madiskubre ng kapitbahay na si Carina Alcan­tara ang nakabiting bangkay ni Sernicula sa isang mataas na pader ng kaniyang kalapit-bahay sa may I. Reyes Street ng naturang lungsod.

Ayon kay Alcantara, nari­nig pa niyang sumigaw ng “Goodbye” ang biktima bago nakita ang nakabiting bang­kay nito. Agad namang humi­ngi ng saklolo si Alcantara sa mga awtoridad na siyang nagbaba sa katawan ni Serni­cula at isinugod sa pagamutan.

Nabatid pa sa imbestigas­yon na dakong alas-11:30 ng gabi nang umuwi ng bahay si Sernicula at naghanap ng martilyo nito. Lumabas naman ito ng bahay at umakyat sa nakaparada niyang tricycle, isinabit ang dulo ng lubid na gamit sa pagpapatiwakal sa bakal sa itaas ng pader ng kapitbahay, ipinulupot ang dulo sa leeg at saka tumalon sanhi ng pagkakabali ng leeg nito. (Danilo Garcia)

AYON

CARINA ALCAN

DANILO GARCIA

DELA CRUZ STREET

LORENZO SERNICULA

LUMABAS

PASAY CITY

REYES STREET

SERNICULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with