^

Metro

Police informer itinumba

-

MANILA, Philippines - Pinagbabaril habang hinihimas ang kanyang alagang manok ang sinasabing isang police informer ng mga hindi nakilalang suspek, kamakalawa ng umaga sa Parañaque City.

Naisugod pa sa Parañaque District Hospital ng kanyang mga kaibigan ang biktimang si Michael Rivero, ng San Agustin Village, Brgy. Moonwalk subalit namatay rin makaraan ang tatlong oras sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan. Sa ulat ng Pasay police, naganap ang krimen dakong alas-11 ng umaga sa bakanteng lote sa A. Rodriguez Avenue, San Agustin Village, Brgy. Moonwalk na ginagamit ng biktima na tahanan ng kanyang mga alagang sasabunging manok.

Nabatid na nagkukuwentuhan habang humihimas ng manok ang biktima kasama ang mga kaibigang sina Cesar Babasa, 34; Ryan Apaap, 28; at Willie Mingallo, 30, nang sumulpot ang nag-iisang lalaki at barilin nang malapitan si Rivero bago kaswal na tumakas. Napag-alaman na ilang miyembro na ng sindikato ng illegal na droga ang nadakip ng pulisya matapos silang inguso ng biktima na nagsisilbi umanong police informer.

Sinabi ni Margate na malaki ang posibilidad na ipinapatay ng sindikato ng ilegal na droga ang biktima bilang ganti sa pagsu­suplong sa kanila ng huli. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

CESAR BABASA

DANILO GARCIA

DISTRICT HOSPITAL

MARGATE

MICHAEL RIVERO

RODRIGUEZ AVENUE

RYAN APAAP

SAN AGUSTIN VILLAGE

WILLIE MINGALLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with