^

Metro

Kasambahay ng US immigrant nabiktima ng Budol-Budol Gang

-

MANILA, Philippines - Halagang $50,000 at P8,800 cash ang natangay sa mag-asawang United States immigrant matapos na mabik­tima ng Budol-Budol Gang ang kanilang pinagka­ka­tiwa­laang kasam­bahay sa Baran­gay Tatalon, Quezon City.

Ang insidente ay nabatid makaraang magtungo sa himpilan ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police District ang kasambahay na si Maria Marsina Pabon, 45, dalaga, stay-in sa isang condominium sa may N. Do­mingo St., Ba­ran­gay Va­len­cia sa naturang lunsod para pormal na mag­reklamo.

Si Pabon ay namamasu­kang katulong ng mag-asawang Regenand Gno at Alilae Gno na 20 years nang migrante sa Virginia, USA at may-ari ng nasabing condominium.

Nangyari umano ang insidente nang ibigay ni Pabon ang nasabing salapi sa isang miyembro ng sindi­kato sa may Araneta Avenue ma­lapit sa Funeraria Paz, Ba­rangay Tatalon kamaka­lawa ng hapon.

Nauna rito, tinawagan si Pabon sa telepono ng isang babae na nagsabing ang kan­­yang amo ay naaksi­dente sa Virginia USA at dinala umano sa Makati Medical Center.

Para maibigay ang de­talye ay iniwan pa ng ba­baeng suspek ang kanyang cell­phone number para sakaling magreturn call ito.

Dahil hindi mapakali, nag­pasya si Pabon na tawa­gan ang iniwang cellphone number kung saan ay sumagot ang isang lalake at inutusan siya na kunin ang pera na nakalagay sa dra­wer sa mas­ter’s bedroom dito at ilagay sa brown envelope.

Matapos nito ay sinabi­han ng lalakeng caller si Pabon na dalhin ang pera sa may naturang lugar kung saan niya ito kukunin na siya namang nangyari.

Nang makuha ng suspek ang envelope ay iniwan na lamang ang biktima na agad namang nagduda kung kaya nagpasya itong magtungo sa Galas Police Station at mag­reklamo. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALILAE GNO

ARANETA AVENUE

BUDOL-BUDOL GANG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

FUNERARIA PAZ

GALAS POLICE STATION

MAKATI MEDICAL CENTER

MARIA MARSINA PABON

PABON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with