^

Metro

Pamangkin ng shabu tiangge operator, tiklo

-

MANILA, Philippines - Nahulog na sa kamay ng operatiba ang pamangkin ni convicted “shabu tiangge” operator Amir Boratong kung saan ang una ang sinasabing nama­mahala ngayon sa talamak na ilegal na operasyon ng mga ito sa Pasig City.

Nakilala ang nadakip   na si Aliman Boratong, residente ng F9, Baltazar St., Brgy. Sto Tomas, nabanggit na lungsod.

Nabatid na pasado alas-4 ng hapon kahapon nang maaresto ang suspect sa isinagawang anti-criminality campaign ng District Inteligence Unit at Special Ope­rating Group ng EPD sa Amang Rodriguez Avenue, Brgy. Manggahan, Pasig City.

Batay sa ulat, una umanong napansin ng operatiba ang suspect na may sukbit ng baril sa bewang nito habang patakas ito sakay sa isang kulay berdeng Honda Civic (WCH-588).

Hindi naman nag-atubili pa ang ope­ratiba kung saan ay agad nilang sinita ang suspect at dito na nila napag-alaman na ang huli pala ang matagal ng hina­hanap ng awtoridad na si alyas “Boy Negro” na isa sa mga “hard core” remnant at lider ng Boratong drug syndicate na pamangkin naman ng convicted shabu tiangge operator na si Amir Boratong.

Nasamsam dito ang isang baril at mga bala at ilang pakete ng shabu. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALIMAN BORATONG

AMANG RODRIGUEZ AVENUE

AMIR BORATONG

BALTAZAR ST.

BOY NEGRO

BRGY

DISTRICT INTELIGENCE UNIT

HONDA CIVIC

PASIG CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with