^

Metro

Singer na nagparetoke ng puwit, nagreklamo rin sa NBI

-

MANILA, Philippines - Pormal na naghain ng reklamo kahapon sa Na­tional Bureau of Investiga­tion (NBI) ang singer na si Selina Sevilla, laban sa nag­sagawa sa kanya ng butt enhancement na na­ging dahilan ng pagkalat ng impeksiyon.

Personal na nagtungo ni Sevilla (Sharon S. Simon sa tunay na buhay),  kay NBI-Special Action Unit chief, Atty. Angelito Magno, inireklamo nito ang isang Dr. R.A.  Eugenio, na nag-inject umano sa kaniya ng Silicon oil, para sa butt enhancement noong 1998 sa halagang P20,000. at may house clinic umano ito noon sa #2648 Dominga St. sa Malate, Maynila.

Aniya, nagawa pang i-repair ni Dr. Eugenio nang mapansin niya na hindi pantay ang laki at ayos ng kaniyang puwet.

Noong 2003, habang nasa Lon­don umano siya, nakaram­dam na siya ng pananakit at paninigas ng puwet at nagsimula na rin umanong maglabas ng oil.

Nitong nakaraang bu­wan naman ay nakita niyang deformed na ang kanyang puwet dahilan upang ipakonsulta niya sa isang Dr.Lorenzo Loh na nagkumpirmang kalat na ang impeksiyon sa kan­yang puwet. Naniniwala rin umano siya na marami din ang may katulad niyang proble­ma sa ngayon su­balit hindi pa lumalantad, dahil ma­rami siyang naka­sabay na entertainers na nagpa-butt enhancement din kay Dr. Eugenio.

“But of course, it was secret before. No one would admit that we under­go retoke nakakahiya nung time ko. Nililihim naming talaga. I have to be beau­tiful kasi ang performer dapat total package hindi pwede maganda lang boses namin, lalo na sa Japan. At saka may anak na ako at the time na na­discover ako ng Alpha Re­cords so I have to improve my butt,” aniya pa.

Pinag-aaralan na rin ng abogado niyang si Atty. Rey Edgar Dazo, ang pag­hahain ng kasong illegal practice at reckless impru­dence resulting to serious physical injuries laban kay Eugenio dahil posibleng hindi ito lisensiyadong doktor para masampahan ng kasong malpractice.

Ayon kay Magno, hindi lisensiyadong doktor si Eugenio at nasa ibang bansa na ito kaya’t naka­takda silang makipag-ug­na­yan sa mga embahada.

“We went to the house-clinic of Eugenio but it was not already his house-clinic but a boutique. We also learned that he was in the United States or abroad and we are tracing his whereabouts. We con­ducted background check on him and we are 80% sure that he was not a doctor,” ani Magno.

Si Selena ay ikalawa na sa kaso ng may prob­lema sa butt enhancement na dumulog sa NBI. Una rito ang 40-anyos na ne­gos­yanteng si Josefina Norcio na naimpeksiyon din ang puwet dahil sa umano’y hydrogel butt im­plant na isinagawa sa Belo Medical Clinic. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALPHA RE

ANGELITO MAGNO

BELO MEDICAL CLINIC

BUREAU OF INVESTIGA

DOMINGA ST.

DR. EUGENIO

DR. R

EUGENIO

JOSEFINA NORCIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with