^

Metro

Pinalo ng thermos sa ulo: Mister todas sa lover

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Patay ang isang 29 -anyos na mister matapos na hata­win sa ulo ng thermos ng kan­yang kinakasama makaraan ang mainitang pagtatalo sa lungsod ng Quezon, iniulat kahapon.

“Aray ko, masakit ang ulo ko, pinalo ako ng asawa ko sa ulo,” ito umano ang naging huling sambit ng biktimang si Richie Almasin, 29, mainte­nance ng #11 Bicol Brigade St., Brgy. Tatalon, ng na­sabing lungsod bago tuluyan itong malagutan ng hininga habang isinusugod sa Philippine Orthopedic Hospital.

Arestado naman ang sus­pek na si Chona Jama­rolin, 29, kinakasama ng biktima.

Naganap ang insidente pasado alas-7 ng gabi sa loob ng kanilang inuupahang bahay. Bago nito, dumalo pa umano sa isang binyagan sa kanilang lugar ang dalawa at ng maka­uwi ay bigla na lamang nagka­roon ng pagta­talo ang mga ito.

“Narinig ko nagtatalo ang mag-asawa at maya-maya narinig ko yung lalaki na humi­hingi ng tulong sa kanilang kasera pero hindi ito pinansin kung kaya napilitan akong pumasok at doon ay nakita ko ang biktima na basang-basa at nakahan­dusay sa sahig kaya agad kung dinala sa ba­rangay hall,” ayon sa saksing si Dimocrito Sanchez.

Sa imbestigasyon, lumi­litaw na habang nagtatalo ang dalawa ay dinampot ng babae ang kanilang thermos na puno ng mainit na tubig saka pinuk­pok ang biktima dahilan upang magtamo ito ng ma­tinding tama sa ulo dagdag pa ang mainit na tubig na bu­muhos sa katawan nito.


ARAY

ARESTADO

BICOL BRIGADE ST.

BRGY

CHONA JAMA

DIMOCRITO SANCHEZ

NAGANAP

PHILIPPINE ORTHOPEDIC HOSPITAL

RICHIE ALMASIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with