^

Metro

'Nabaligtad' na pulis, nagpasaklolo kay Lim

-

MANILA, Philippines - Humihingi ng tulong kay Manila Mayor Alfredo Lim ang ilang pulis-Maynila na ‘naiipit’ nga­yon sa imbestigasyon, ma­tapos na mabaligtad ang sit­was­yon sa pagmamaniobra ng ilang opisyal upang palayain ang isang Chinese national na sangkot sa pagbebenta ng pekeng mga ‘Viagra’ tablets.

Ayon sa mga police officers na hindi muna lumantad, nag­tataka sila kung bakit sa kanila ibinubunton ang imbestigasyon, sa halip na idiin ang mga nag-lobby na opisyal ng Manila Po­lice District (MPD) dahil sa gi­namit na impluwensiya at pag-‘name drop’ sa mga pangalan nina Mayor Alfredo S. Lim at iba pang dating matataas na opisyal ng MPD

Nabatid na si Jimmy Chua, 21, ay dinakip bunsod ng en­trap­ment operation na isina­gawa ng mga pulis matapos inguso ito na ‘supplier’ umano ng isang la­laking vendor na una nang ina­resto sa pagtitinda ng pekeng Viagra. Dahil dito, tuma­yong po­seur-buyer ang ilang pulis at na­kabili umano mismo kay Chua, sa tindahan nito na matatagpuan sa Benavidez St. sa Binondo.

Subalit ng dinala sa MPD headquarters, lumutang umano ang isang major ng MPD Station 11 at kinausap nito ang isang SPO4 Danny Anselmo, tinakot umano ito na palayain si Chua na agad namang inutos nito (Anselmo) sa mga arrest­ing officers.

Sa blotter ng MPD, nakita ng media na may pinirmahan si Morales, na nasa ilalim ng pa­mu­muno ni P/Supt. Nelson Yabut at nagsasaad na ‘no mo­ne­tary consideration’ ang pag­pa­palaya kay Chua sa kaniyang kustodiya “Where is justice here? Nagtrabaho kami ng ma­ayos, kami ang ginamit at binu­kulan tapos ngayon kami pa ang iniipit?” pahayag ng mga pulis. (Doris Franche)

vuukle comment

BENAVIDEZ ST.

CHUA

DANNY ANSELMO

DORIS FRANCHE

JIMMY CHUA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA PO

MAYOR ALFREDO S

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with