2 salvage victims natagpuan sa Maynila
() - June 13, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalawang hinihinalang mga holdaper ang kapwa pinatay sa sakal bago binalot ang buong mukha at ulo ng packaging tape at itinapon sa magkalapit na lugar, sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Sa ibabaw ng dalawang bangkay ng hindi nakilalang mga biktima ay natagpuan ang kulay puting folder na may nakasulat na: “Huwag ninyo akong tularan hol­daper ako.”

Inilarawan ng pulisya, ang isa na nasa pagitan ng 20 -25, 5’2’’ ang taas, may tattoo na Batang City Jail sa katawan, habang ang isa pa ay nasa 25-30, 5’4’’ ang taas, may tattoo na Sputnik gang sa katawan. Bukod umano sa nasabing mga tattoo, burdado din ng iba’t-ibang disensyong tattoo ang mga katawan ng dalawa na karamihan ay mga bulaklak.

Ayon sa ilang residente, may napansin silang isang asul na van na humimpil sandali sa lugar at posib­leng doon ibinaba ang isa sa bangkay.

Natagpuan ang ikalawang biktima sa panulukan ng C. M. Recto at Masangkay Sts., sakop ng Brgy. 294, sa Binondo. (Ludy Bermudo)

AYON BATANG CITY JAIL BINONDO BRGY BUKOD DALAWANG HUWAG LUDY BERMUDO MASANGKAY STS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with