^

Metro

Bisor tinodas ng sinibak na tauhan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang babaeng super­bisor ng isang burger chain ang nasawi nang pagsa­saksakin ng da­lawa niyang tauhan na sinuspinde niya sa tra­baho sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Jesusa Albo, 48 anyos, superbisor ng Angels Burger sa naturang lugar.

Pinaghahanap pa ng pulisya habang isinusulat ito ang tumakas na mga suspek na sina Jimboy Ma­riano at Nereboy Calle, kapwa empleyado ng Angels­ Burger.

Sinabi ng isa pang tauhan ng Angels Burger na si Joenald Cacho na nag­ lalakad sila ni Albo sa may E. Rodriguez Avenue kanto ng Mendoza Street, Barangay Santo Nino sa naturang lunsod para mag-abang ng ma­sa­sakyan nang hara­ngin sila nina Mariano at Calle.

Kinompronta nina Ma­riano at Calle si Albo kaugnay ng pagsuspinde nito sa kanila. Ikinatwiran ng babae na laging late pumasok sa trabaho ang dalawa kaya tinanggal niya ang mga ito.

 Dito na lalong nagalit ang mga suspek kung saan naglabas ng pa­talim ang suspek na si Mariano at sunud-sunod na un­dayan ng saksak si Albo. Mabilis na tumakas ang magpin­san matapos ang krimen.

vuukle comment

ALBO

ANGELS BURGER

BARANGAY SANTO NINO

JESUSA ALBO

JIMBOY MA

JOENALD CACHO

MARIANO

MARIKINA CITY

MENDOZA STREET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with