^

Metro

Jobless na anak inatado ng ina

-

MANILA, Philippines - Agaw-buhay sa ospital habang isinusulat ito ang isang anak na tinad­tad ng saksak ng kanyang ina dahil sa kawalan umano niya ng trabaho at pagiging pabigat sa buhay ng huli sa Aeroville, NAIA Road, Pasay City kama­kalawa ng hatinggabi.       

Inoobserbahan sa intensive care unit ng Pasay General Hospital bunga ng mga saksak sa katawan ang bik­tima na si Armando Hayocan, 29, resi­dente ng Apollo St., Aeroville.         

Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat na unang nagkaroon ng mainitang pag­tatalo ang biktima at ang kanyang ina na kinilala sa pangalang Esla, 52-anyos.   

Dahil sa krisis na dinaranas bunga ng kawalan ng mapagkukunan ng pang-araw-araw na panganga­ila­ngan, iminungkahi ni Esla kay Armando na maghanap ng trabaho para matustusan ang gastusin sa kani­lang bahay.    

Ang mungkahi ng ina ay dinam­dam umano ng biktima at nauwi sa palitan ng maaanghang na salita ng mag-ina.

Dahil dito, nagdilim umano ang paningin ng ina at nadampot nito ang isang patalim sa kusina at pinagsa­­ sak­sak ang anak. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AEROVILLE

APOLLO ST.

ARMANDO HAYOCAN

DAHIL

ESLA

PASAY CITY

PASAY GENERAL HOSPITAL

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with