^

Metro

Lolo pumalag sa holdap, kinatay

-

Pinagsasaksak hang­gang sa mapatay ng dala­wang hindi pa kilalang suspek ang isang matan­dang lalaki sa kahabaan ng Edsa papasok ng North Expressway sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Walong tama ng sak­sak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng hindi pa nakikilalang biktima.

 Ayon sa nakasaksi sa krimen, nag-aabang ng masasakyan pauwi ng probinsiya ang matanda sa may service road ng Edsa Quezon City papuntang papasok ng North Luzon expressway nang lapitan ito ng dalawang suspek sabay tinutukan ng patalim.

Anya, tinangka ng ma­tanda na manlaban sa ­suspek dahilan para burdahan ito ng saksak ng mga suspect. Matapos na makuha ang pakay sa biktima, agad na nagsi­takas ang mga suspek habang ini­wang nagkikisay pa sa kalsada ang biktima ka­piling ng kanyang dalang isang kahon ng patis.

Nahihirapan namang malaman ng mga tauhan ng QC Criminal Investiga­tion Division ang pagkaka­kilanlan sa biktima dahilan sa tangay ng mga suspek ang wallet nito na posib­leng bukod sa pera ay nan­doon din ang identification card nito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANYA

AYON

CRIMINAL INVESTIGA

CRUZ

EDSA QUEZON CITY

NORTH EXPRESSWAY

NORTH LUZON

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with