^

Metro

Parak binoga ng kabaro, todas

- Angie dela Cruz, -

Isang pulis ang nasawi matapos itong barilin ng kan­yang kabaro kama­ka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Martinez Memorial Hospital ang biktimang si P03 Enri­que Trinidad, 36, na­ka­ta­laga sa Caloocan City Po­lice Sta­tion, Detective Ma­nagement Branch at resi­dente ng E. Castillo St., Lerma, May­pajo ng na­bang­git na lungsod. Nag­tamo ito ng mga tama ng bala ng baril sa dibdib at sen­tido buhat sa kalibre .9mm.

Samantala, tumakas na­man ang suspek na na­kila­lang si P03 Hector dela Cruz,   nakatalaga sa Nor­thern Police District Office (NPDO).

Sa report na natanggap ni Police Supt. William S. Maca­vinta, hepe ng Calo­ocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:40 ng gabi sa kahabaan ng E. Castillo St., Lerma, Maypajo ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na pinaparada ng biktima ang kanyang motor­siklo sa harapan ng kanilang bahay nang lapi­tan ito ng suspect at ilang sandali pa ay nagkaroon ng mainitang pag­tatalo sa pagitan ng dalawang parak sa hindi pa malamang dahilan. Dito na umano binu­not ng suspek ang kanyang baril at walang sabi-sabi nitong pina­putukan ang biktima. Ma­tapos ang pa­ma­maril ay ma­bilis na tumakas ang suspect.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing insidente.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PO

CASTILLO ST.

CITY POLICE

DETECTIVE MA

LERMA

MARTINEZ MEMORIAL HOSPITAL

POLICE DISTRICT OFFICE

POLICE SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with