^

Metro

Frat war sa simbang gabi: 2 sugatan

-

Nasa malubhang kalagayan ang dalawang lalaki makara­ang pagsasaksakin ng umano’y kalabang grupo habang patungo sa simba­han upang dumalo ng simbang gabi kahapon ng madaling-araw sa Marikina City. Kasalukuyang ginagamot sa Amang Rodri­guez Medical Center sanhi ng tinamong saksak ng ice pick sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang nakilala lamang sa pa­ngalang Bryan 20; at Nilo 19, ng Libis Malaya St. Brgy. Malanday ng nasabing lungsod. Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang isang Efren Tolentino, umanoy lider ng kalabang grupo na nakabang­gaan ng mga biktima. Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa boundary ng Brgys. Concepcion Uno at Malanday ng magkasalubong ng landas ang dalawang grupo upang magtungo sana sa simbahan. Dahil sa mayroon ng hidwaan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkalabang grupo dahilan upang bumunot ng ice pick ang isa sa mga suspek at pagsasaksakin ang dalawang biktima bago mabilis na nagsitakas. Agad namang isinugod ng mga saksi sa pagamutan ang dalawang biktima. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRI

BRGYS

CONCEPCION UNO

DAHIL

EDWIN BALASA

EFREN TOLENTINO

LIBIS MALAYA ST. BRGY

MALANDAY

MARIKINA CITY

MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with