^

Metro

Holdaper bugbog-sarado

-

Nasa malubhang kalagayan sa pagamutan ang isang lalaking holdaper makaraang pagtulu­ngan itong gulpihin ng taum­bayan matapos na tangka­ing holdapin ang isang gasoli­nahan kahapon ng madaling araw sa Marikina City. Kasaluku­yang ino­obser­ba­han sa Amang Rodri­guez Medi­cal Center ang suspek na si James Regulacion 24, ng Sto. Domingo, Quezon City.

Sa ulat, naganap ang insi­dente dakong alas-3:45 ng ma­da­ling-araw ng tangkaing hol­da­pin ng suspek ang Caltex sta­tion na matatagpuan sa kaha­baan ng A. Bonifacio Ave. Brgy. Tañong ng nasabing lungsod.

Armado ng patalim ay pina­sok ng suspek ang booth ng cashier at tinutukan ng kutsilyo ang kaherong si Nathan Abel 26, at nagpahayag ng holdap.

Matapos na makuha ang kaunting kinita ng gasolinahan at cellphone ng biktima ay ma­bilis itong sumakay ng pampa­sa­he­rong dyip para tumakas subalit hindi nasiraan ng loob ang bik­tima na agad humingi ng tulong sa mga kalalakihang nasa kalsada. Nagkaroon ng ilang minu­tong habulan hanggang maabu­tan ang suspek ng taum­bayan at kuyugin. Natigil lang ang pambu­bugbog dito ng du­mating ang rumespondeng pulisya at dahil sa tinding gulping inabot sa paga­mutan ito idini­retso im­bes sa presinto.

Nabawi naman ang pera at cellphone na na­kuha ng suspek sa biktima. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRI

ARMADO

BONIFACIO AVE

BRGY

EDWIN BALASA

JAMES REGULACION

MARIKINA CITY

NATHAN ABEL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with