^

Metro

Ama na bumihag sa 3 anak kakasuhan

- Ni Ludy Bermudo -

Nahaharap sa ka­song frustrated murder in relation to Child Abuse Act ang isang 46-anyos na ama na bu­mihag sa kaniyang tat­ long anak sa loob ng kanilang tahanan at pagsasaksakin ang mga ito sa Tondo, May­nila, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang gina­ga­mot sa Metropolitan Hospital ang mga bik­timang sina Monica Cruz, 12, na nagtamo ng saksak sa dibdib; JR Cruz, 13, na nasaksak sa braso at Mark Joseph Cruz, 14, tina­maan sa kili-kili,  pawang resi­dente ng #1143 Quiri­cada St., malapit sa pa­nulukan ng Jose Abad Santos St., Tondo.

Kasalukuyang naka­piit sa Manila Police District-station 2 ang sus­pek na si Mario Cruz, walang trabaho.

Sa pahayag ni P/Supt. Jose Mario Es­pino, hepe ng nasabing istasyon, dakong alas-5:40 ng hapon nang magsimula ang pagho-hostage ng suspek sa kanyang mga anak sa loob ng kanilang bahay.

Mainit ang ulo nang dumating sa bahay ang suspek bunsod umano ng galit sa misis nitong walong taon nang na­ma­masukan ng trabaho sa Estados Unidos. Ayaw umano itong ka­usapin sa telepono na ikinaburyong nito, base sa pahayag ng kaanak ng suspek na si Aling Pilar.

Nang pagdiskitahan umano ang mga anak ay pinagalitan ang mga ito subalit sumagot nang pabalang ang isa kaya kumuha ng kutsilyo at sinaksak ito sa braso, batay sa nakasilip na kapitbahay na nakarinig sa iyakan ng mga bata.

Mabilis umanong ipinagbigay alam ng isang kagawad ng ba­ran­gay kay Punong Barangay Darwin Sia. Agad ring nakipag-ugnayan sa pulisya ang chairman hanggang sa rumesponde maging ang mga operatiba ng Special Weapons and Tactic kaya umabot lamang sa halos alas 7-pasado ng gabi nang mapasuko ang suspek.

vuukle comment

ALING PILAR

CHILD ABUSE ACT

ESTADOS UNIDOS

JOSE ABAD SANTOS ST.

JOSE MARIO ES

KASALUKUYANG

MANILA POLICE DISTRICT

MARIO CRUZ

MARK JOSEPH CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with