^

Metro

Pupil hulog sa swing ng school, patay

-

Hindi na nakamtan ng isang grade-4 pupil na batang babae ang kanyang hiling na bagong sapatos matapos na aksiden­teng mahulog umano ito sa duyan at humampas sa lapag ang mukha sa loob ng kanilang school sa Malabon City ka­hapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutang Lungsod ng Ma­labon (PLM) sanhi ng gra­beng pinsala na tinamo nito sa mukha na si Liezl Angela Santiago, 10, ng Escanilla St. Brgy. Con­cep­­­­cion ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:45 ng umaga nang ma­ganap ang insidente sa loob ng Arellano University School na matatagpuan sa kahabaan ng Gov. Pascual St., Brgy. Con­cep­cion ng nasabing lungsod.

Nabatid na kasalukuyang nag­duduyan ang biktima sa swing ng nasabing paaralan habang isinasagawa ang P.E. class nito at makalipas ang ilang sandali ay biglang nagkagulo dahil nakitang nakasalampak at duguan ang mukha ni Santiago.

Agaran itong dinala sa clinic ng paaralan bago mabilis na ini­lipat sa nasabing ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon sa pulisya, walang gustong magsalita sa pamu­nuan ng nasabing iskul hinggil sa insidente dahil na rin sa payo umano ng abogado ng esku­welahan.

Napag-alaman na bago maganap ang insidente ay hu­mihiling ang biktima ng bagong sapatos sa kanyang inang si Lyla subalit hindi na nito maka­kamtan dahil sa naganap na aksidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AGARAN

ARELLANO UNIVERSITY SCHOOL

AYON

ESCANILLA ST. BRGY

LIEZL ANGELA SANTIAGO

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

PAGAMUTANG LUNGSOD

PASCUAL ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with