^

Metro

Bulsa sa uniporme ng NAIA employees bawal na

- Ni Ellen Fernando -

Sinimulan nang ipatu­pad kahapon ng Manila In­ternational Airport Authority (MIAA) ang “No Pocket” policy sa mga uniporme ng lahat ng empleyado na na­katalaga sa ramp baggage loading areas sa tatlong paliparan ng Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA).

Ayon kay Ret. Gen. Angel Atutubo, MIAA ass­istant general manager for security and emer­gency services na binig­yan na siya ng go signal ni MIAA general manager Alfonso Cusi upang ipa­tupad ang bagong po­lisiya bilang paghahanda sa nalalapit na Kapasku­han kung saan karaniwan ng mga pasaherong duma­rating ay may dala o bitbit na mga regalo o kaya ay nakalagay sa mga kahon sa airport.

Sinabi ni Atutubo na layunin ng nasabing poli­siya na bigyan ng segu­ridad ang check-in bag­gage ng mga dumarating at umaalis na pasahero at kanilang mga bagahe para sa pagnanakaw o pilferage.

Niliwanag ni Atutubo na kapag walang mga bulsa ang mga uniporme ng mga airport personnel na nasabing lugar ay maiiwasan nito na makakupit o makanakaw ng anumang bagay.

Aniya, may mga insi­dente na ang naipaabot sa kanyang tanggapan hinggil sa pagkawala ng mga alahas, cellphones, pabango at iba pang mahalagang bagay sa mga bagahe ng mga pasahero matapos nilang kunin ang mga luggage sa carousel.

“Mas mabuti na ma­ilayo ng MIAA sa tukso ang mga baggage handler upang mapa­ganda ang imahe ng airport lalo na sa mga dayuhang turista at balikbayan,” dagdag pa ni Atutubo.

Bukod sa nasabing polisiya, kailangang isu­render din ang lahat na personal na gamit ng lahat ng mga airport personnel na nakatalaga sa ramp sa gate guard bago sila mag-report at magsimula sa trabaho.

Ang sinuman anyang lalabag sa polisya ay may katapat na parusa na na­aayon sa pinaiiral na regulasyon ng MIAA.

AIRPORT

AIRPORT AUTHORITY

ALFONSO CUSI

ANGEL ATUTUBO

ATUTUBO

MANILA IN

NINOY AQUINO INTER

NO POCKET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with