^

Metro

Patay na sanggol iniwan sa bus ng ina

-

Isang sanggol ang itinapon ng sa­riling ina nito sa loob ng isang pampasa­herong bus, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang nasabing sanggol na tinatayang kaluluwal pa lamang ay natagpuan dakong alas-6:05 ng gabi ng konduktor ng pampaherong bus na may plakang TYP-197 na may biyaheng Baclaran-Fairview, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, isang traffic enforcer na si Bernardo Cañas, 27, residente ng Versaville Exe­cu­tive Homes, Las Piñas City ang inabutan ng nasabing konduktor ng bus ng supot na nag­la­laman ng patay na sangol.          

Agad namang dinala ni Canas ang na­sabing sanggol sa Sta. Clara Parish Church sa Padre Burgos St., Pasay City kung saan pinabasbasan at pina­dasalan niya muna ito sa parish priest ng nasabing simbahan bago dinala sa pune­rarya para ma-ebalsamo at bigyan ng ma­ayos na libing.

Kasalukuyan namang inaalam ng pu­lisya kung sino ang  ina ng nasabing sanggol. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BERNARDO CA

CLARA PARISH CHURCH

LAS PI

PADRE BURGOS ST.

PASAY CITY

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

VERSAVILLE EXE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with