^

Metro

2 holdaper bulagta sa shootout

-

Bulagta  ang dalawang uma­no’y holdaper nang maki­pag­palitan ng putok ng baril sa   mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos ang isinagawang panghoholdap sa pampasaherong jeep  sa ka­habaan ng Jose Abad Santos St., Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang isa sa sus­pect na tinatayang nasa gulang na 25-26 anyos, nakasuot ng maong na pantalon, tadtad ng tattoo at kabilang dito ay mukha ni dating Pres. Joseph Estrada na naka-tattoo sa likod, ha­bang ang isa ay nasa 48-50 ang edad, kalbo, nakasuot ng gray na polo shirt at asul na panta­lon na tadtad din ng tattoo ang katawan.

Tatlo pang kasama­han ng mga ito ang mabilis na nakatakas. Sa ulat ng pulisya, dakong 3:20 ng madaling-araw nang ma­ganap ang insidente sa  panu­lukan ng J. Abad Santos Ave., at Cor­re­gidor St., Tondo. 

Kabilang sa nag­ rekla­mong biktima sina Angel Ramos, 26, call center agent at Mari­tess Obrero, 29, OFW ang nagsa­bing  sumakay ang mga holda­per sa 3rd Avenue, Caloocan City at ilang sandali pa ay nag­deklara ng holdap.

Dahil sa takot at pagka­bigla ay napatalon ng dyip si Obrero na nakatawag pansin sa mga nagpapatrulyang pulis.

Nang habulin ang papata­kas na mga suspek ay pinapu­tu­kan sila ng mga ito kaya napili­tang gumanti ng putok ang mga awto­ridad na naging sanhi sa pagkamatay ng dalawa sa mga sus­­pect. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ABAD SANTOS AVE

ANGEL RAMOS

JOSE ABAD SANTOS ST.

JOSEPH ESTRADA

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with