^

Metro

Ginang inumaga ng uwi, gulpi-sarado sa lover

-

Halos hindi mailarawan ang mukha ng isang ginang nang bugbugin, pagpapaluin ng tubo na bakal at tangka pang tadtarin ng kanyang lover matapos umagahin  ng uwi , kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Halos hindi magkagulapay na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Evelyn Helit upang ireklamo ang live-in partner nito na si Jackson Sabio, ng 39 St. Joseph St., Balagbag, Merville ng nabanggit na lungsod.

Bunga nito ay agad namang sinampahan ng kasong pag­labag sa R.A. 9262 o Anti Violence Against Women and their Children Act ang 33-anyos na suspect.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na  dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insi­dente sa loob ng bahay kapwa ng biktima at ng suspect.

Sa salaysay ng ginang sa pulisya, papasok pa lamang umano siya sa loob ng kanilang bahay ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanyang harap ang kinakasamang si Sabio na ikinagulat naman nito.

Bigla na lamang umanong kinaladkad ng lalaki papasok ng bahay ang ginang sabay kuha ng bakal na tubo at pinagha­hampas ito sa huli. Hindi pa nakuntento ang lalaki, pinag­susuntok pa nito ang biktima sa ulo at sinampal ng maraming beses kasabay ang pagbabanta na pagtatagain hanggang sa mamatay.

Nakakuha naman ng tiyem­po na makatakas ang biktima matapos malingat ang kinaka­sama at agad itong kumaripas ng takbo papalabas ng kanilang bahay.

Hinabol pa umano ng sus­pect ang ginang habang hawak ang isang matalas na jungle bolo kung saan nakaagaw naman ng pansin ang nasabing senaryo sa dalawang nagla­lakad na lalaki at dito agad nilang tinawag ang babae upang itago at samahan sa pulisya.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad kung saan naaresto ang suspect na nagtangka pang magtago sa loob ng kanilang bahay.

Ayon naman sa suspect, labis umano niyang ikinagalit ang pag-uwi ng madaling-araw ng ginang na nag-ugat sa mun­tik-muntikan na niyang pag­ka­kapaslang dito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANTI VIOLENCE AGAINST WOMEN

CHILDREN ACT

EVELYN HELIT

JACKSON SABIO

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with