^

Metro

Ex-Navy, misis na lider ng squatting syndicate tiklo

-

Inaresto ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang isang  dating tauhan ng Philippine Navy at misis nito na umano’y pinuno ng squatting syndicates sa isinagawang operasyon sa Quezon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang nadakip na mag-asawa na sina  Rachel Mabbagu at ang asawa nitong si Bernardo, na  dating tauhan ng Philippine Navy.

Dakong alas -5:30 ng umaga nang arestuhin   ang mag-asawa sa Comets Loop St., Blue Ridge B, Quezon City sa bisa ng  pitong warrant of arrest na inisyu ng San Mateo, Rizal Regional Trial Court kaugnay ng kasong  grave coercion at malicious mischief. Ang mag-asawang Mabbagu ay itinuturo umanong sangkot sa pamumuno sa isang squatting syndicate na nagbebenta ng lupa na di talaga nila pag-aari sa ilalim ng kumpanyang 88-99 GMC & Development Inc na may punong tanggapan sa 10th Avenue, Brgy. Socorro, Cubao ng nasabing lungsod.

Kabilang sa mga lupa na sinasabing na-encroach ng mag-asawa ang mga lote ni dating Sen. Eva Estrada Kalaw sa Tierra Pura Subdivision, Justice Secretary Raul Gonzalez sa North Fairview, at tatlo pa  sa Grand View Park Subdivision sa San Mateo. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang mag-asawang suspect. (Joy Cantos)

vuukle comment

BLUE RIDGE B

COMETS LOOP ST.

PHILIPPINE NAVY

QUEZON CITY

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with