^

Metro

Bisor binoga sa huling ‘tagay’

-

Patay ang isang ­bisor matapos barilin ng kan- yang kapitbahay habang tinutungga ng una ang kan­yang huling tagay sa harap ng kanyang mga kainuman kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Caloocan.

Hindi na umabot ng bu­hay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tatlong tama ng bala ng di-nabatid na kalibre ng baril sa dibdib ang biktimang si Edgardo Rancurdo, 38, may-asawa, ng Gregorio Compound, Gen. Luis Street, Kaybiga, Barangay 166 ng nabang- git na lungsod.

Kasalukuyan namang nagtatago at tinutugis nga­yon ng mga awtoridad ang suspek na si Edgardo Ra­mirez, 40, may-asawa, walang hanap-buhay at kapit-bahay ng biktima.

Sa ulat ni SPO1 Wil- son Reyes, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-7 ng gabi sa loob ng Gregorio Com­pound.

Nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang mga kainuman at tinutungga ang kanyang huling tagay nang biglang dumating ang suspek na armado ng baril at tatlong ulit na pinapu­tukan ang biktima.

Isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hini­nga at dali-dali namang tu­makas ang nabanggit na suspek.

Ayon sa ilang kainuman ng biktima, ang nasawi at ang suspek ay mortal na magkaaway umano sa ka­nilang lugar at nang maka­kuha ng magandang pagka­kataon ang suspek ay hindi na nito pinaporma pa ang biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

EDGARDO RA

EDGARDO RANCURDO

GREGORIO COM

GREGORIO COMPOUND

LORDETH BONILLA

LUIS STREET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with