^

Metro

Ama tinodas sa harap ng anak

-

Matinding trauma nga­yon ang dinaranas ng isang batang lalaki maka­raang pagbabarilin at ma­patay sa kanyang harapan ang ama ng isang hindi na­kilalang hitman kama­ka­ lawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Bryan Mar­quez, 27-anyos, wa­lang trabaho at residente ng #2514 Canoy st., Brgy. Tripa Pagilira, Pasay City.

Inilarawan naman ang tumakas na suspek na nasa pagitan ng edad na 29-30 anyos, may taas na 5’3  hanggang 5’5 , katam­taman ang panganga­tawan at nakasuot ng navy blue cap, asul na t-shirt at maong pantalon.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente da­kong alas-5:30 ng hapon sa may kanto ng Edsa at 11th Jamboree Street, Brgy. Sacred Heart, ng na­turang lungsod.

Nabatid na naglalakad ang biktima patungo sa Kamuning station ng Metro Rail Transit (MRT) kasama ang kanyang 2 taong gu­lang na anak na lalaki at ang kaibigan niyang si Rex Sorello.

Sinasabing biglang sumulpot ang  suspek mula sa likuran na armado ng cal. 38 na baril at dalawang beses na pinaputukan ang biktima. Nabatid na naka­saklay pa ang biktima dahil sa pinsala sa binti nito nang barilin ng suspek.

 Mabilis na tumakas ang salarin matapos ang pama­maril at target ngayon ng manhunt ng pulisya. Ina­alam rin ngayon ng mga imbestigador ang posib­leng motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

BRGY

BRYAN MAR

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JAMBOREE STREET

METRO RAIL TRANSIT

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with