^

Metro

Misis ginilitan ng mister

- Rose Tamayo-Tesoro -

Matapos na lamugin sa bug­bog ay ginilitan pa ng isang mister ang kanyang misis matapos na magselos ang una sa ka-chat ng nasawi, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Sa tindi ng tinamong laslas sa leeg na halos ikapugot nito ay wala ng buhay nang datnan ng pulisya ang biktimang si Merly Manimtim, 45,  residente ng Casoy St., Verdan Village Pamplona III ng nabanggit na lungsod.

Samantala, tulala naman at tila nagsisising humihingi ng tawad sa tabi ng bangkay ng biktima nang arestuhin ng mga nagrespondeng pulis ang suspect na si Olan Cano, 33.

Batay sa ulat ni P01 Her­minio Paje, ng Police Community Precinct (PCP) 3  ng Las Pinas City Police, dakong alas-7 ng umaga nang mangyari ang nasabing krimen sa loob ng kuwarto ng biktima sa nabanggit na lugar.

Una rito’y, nakatanggap umano ng balita ang suspect sa kaniyang pinagtatrabahuan sa Laguna na may ibang kina­huhumalingang lalaki ang kanyang misis sa pamama­gitan ng pag-chat sa internet kung kaya’t dali-dali umano itong umuwi ng bahay at kinompronta ang babae na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Ayon sa mga kapitbahay, halos buong magdamag na nag-away ang mag-asawa at dakong alas-7 ng umaga kaha­pon nang biglang tumahimik sa loob ng bahay ng mga ito.

Dahil dito, naghinala ang mga residente na may masa­mang nangyari kung kaya’t agad silang humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Nang silipin ng isa sa barangay tanod na nagres­ponde ang bintana ng kuwarto ng mag-asawa ay nakita nito ang duguang katawan ng babae na nakabulagta at wala nang buhay.

Dahil dito ay agad naman silang tumawag sa himpilan ng pulisya at dito nadiskubre ang brutal na pagpatay ng nasa­bing mister sa kanyang misis.

Bagama’t halos panawan ng maayos na pag-iisip dahil sa ginawa nitong krimen ay agad namang ipinasok ang suspect sa selda ng pulisya upang papanagutin ito sa kasong kakaharapin nito. 

vuukle comment

CASOY ST.

DAHIL

LAS PI

LAS PINAS CITY POLICE

MERLY MANIMTIM

OLAN CANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with