^

Metro

Nagtanggol sa pamangkin binoga sa ulo, sinaksak pa

-

Dahil sa pagtatanggol sa sariling pamangkin, isang ma­ngingisda ang binaril sa ulo at leeg at pinagsasaksak pa ng hindi nakikilalang mga salarin kamakalawa sa  Navotas City.

Nasa kritikal na kondisyon at ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Noel Capoquian, 49, taga-Bicol Area, Bgy. Tanza ng nabanggit na lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .38 baril sa leeg at ulo at maraming saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspek na nakilala lamang sa mga pa­ngalang alyas Johnathan at John.

Sa report na nakarating sa Navotas City Police, dakong alas-5 ng hapon sa Bicol Area, habang naglalakad pauwi ang biktima ay namataan nito ang pamangkin na si Renato Ca­poquian na tinututukan ng baril ng isa sa mga suspek.

Sa pangamba na mapa­hamak ang kaanak, lumapit ito sa mga suspek at umawat. Na­galit ang mga suspek sa ginawa ng biktima at ito ang pinagba­lingan nila ng kanilang galit kung saan pinagsasaksak at binaril ang biktima saka dali-daling tumakas. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BGY

BICOL AREA

LORDETH BONILLA

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NOEL CAPOQUIAN

RENATO CA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with