^

Metro

Lady accountant dedo sa holdap

-

Patay  ang isang lady accountant nang pagba­barilin ito ng dalawang hol­daper matapos na man­laban ang una sa mga huli, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang nasawing  biktima na si Magdalene Perez, 41, at residente ng 2505 M. dela Cruz, St.,  ng nabanggit na lungsod.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, dakong alas-10:55 ng umaga nang ma­ganap ang nasabing insidente sa Lions Road, Pasay City.

Nauna rito, nagtungo ang biktima   sa Pasay City Hall upang magbayad ng business permit sa Trea­surer’s Office.

Makaraan ang pagba­bayad ay nag­pahatid uma­no ang biktima sa isang tricycle driver na si Roberto Aban, 33, ng 188 Figue­rora St., Pasay City pauwi ng kanilang bahay sa M. dela Cruz.

Habang tinatahak uma­no ng mga ito ang kaha­baan ng Lion’s Road ay sinundan sila ng dalawang hindi nakikilalang mga sus­pect na sakay ng isang mo­torsiklo at agad na hina­rang ang kanilang daraanan.

Agad na bumaba uma­no ang isa sa mga suspect  at pilit na kinukuha ang bag ng biktima na naglalaman ng P18,000 tseke at ma­hahalagang doku­mento.

Nanlaban umano ang biktima sa suspect dahilan upang agad itong barilin ng huli. Tinamaan naman ang biktima sa pisngi na nag­la­gos sa baba at kanang ta­giliran nito na naging sanhi ng kanyang kama­tayan. (Rose Tamayo)

vuukle comment

CITY HALL

CRUZ

LIONS ROAD

PASAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with