^

Metro

2 pa nag-suicide

-

Dalawa katao ang nagpatiwakal dahil sa matinding pani­nibugho at sa  sobrang kahirapan sa buhay sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan City kamakalawa.

Ang unang insidente ay naganap dakong alas-2 ng hapon, kung saan patay na nang matagpuan si Eduardo Herrera, 38. Nakatali ang leeg nito ng kanyang sinturon at naka­sabit sa bintanang bakal ng kanilang bahay sa #240 P. Sevilla St., Santa Quiteria, ng nabanggit na lungsod nang makita ng kanyang kinakasamang si Sheilalyn Yabut.

Binanggit ni Yabut na bago ito naging madalas ang pag-aaway nila ni Herrera hinggil sa kanilang relasyon dahil na rin sa palagiang pagseselos ng huli. Maaaring ito umano ang dahilan ng isinagawa nitong pagpapakamatay.

Ang ikalawang  insidente naman  ay naganap dakong alas- 5:30 ng hapon sa #7227 L. Tullahan Road, ng nabanggit na lugar, kung saan natagpuan rin   si Avalyn Casin “alyas Ava”, 38 sa naturang lugar, na nakatali ang leeg   ng nylon cord at nakabitin sa bigang kahoy ng bahay. Ayon sa ilang kapit-bahay na hindi na nagpabanggit ng pangalan, lagi dumadaing ang babae sa sobrang kahirapan ng kanilang buhay.Natagpuan ng mga elemento ng   SOCO-NPD  ang isang suicide note sa pa­anan ng biktima na nagsasaad ng dinaranas nitong sobrang kahirapan sa buhay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung may naganap na foul play sa dalawang insidente.  (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AVALYN CASIN

CALOOCAN CITY

EDUARDO HERRERA

LORDETH BONILLA

SANTA QUITERIA

SEVILLA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with