^

Metro

LPG blast: 8 sugatan

-

Walo-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang sumabog ang tangke ng liquified petro­leum gas (LPG), kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kabilang sa sugatang biktima ay ang mag-asawang Ernie Gonzales at Shiela, mga kapitbahay na sina Jose Valenzuela, Jay-Ann Valenzuela, Ador Aquino, Mario Cabe, Maris Cabe, at isa pang hindi nakuha ang pagki­kilanlan.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni P/Senior Insp. Reynaldo Paculan, hepe ng Pasay PNP Cri­minal Investigation Divi­sion, nagpadeliber ng tangke ng LPG ang mag-asawang Gonzales sa kanilang bahay sa CAA compound sa Maricaban bandang alas-7 ng umaga.

Napag-alamang pina­kiusapan ng mag-asawa, ang delivery boy na si Jonathan Dela Torre na ikabit ang tangke ng LPG sa kanilang kalan subalit tumanggi ito saka umalis sakay  ng bisikleta.

Ayon sa ulat, si Ernie Gonzales, ang nagkabit ng LPG sa kalan subalit bigla itong sumingaw kaya kaagad nitong inila­b­as ng bahay.

Nagkataon namang may nag-iihaw ng ulam na kanilang kapitbahay sa labas kaya sumabog ang tangke ng LPG na na­gre­sulta ng pagka­sunog ng ilang parte ng katawan ng mga biktima.

Ayon naman kay P/Supt. Simon Gonzales, hepe ng Station Investi­gation and Intelligence Section, posibleng pana­gutin ang may-ari ng tinda­han na nagbenta ng tangke ng LPG na may depekto. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ADOR AQUINO

AYON

ERNIE GONZALES

INTELLIGENCE SECTION

INVESTIGATION DIVI

JAY-ANN VALENZUELA

JONATHAN DELA TORRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with