^

Metro

Yaya ni Dindin kinasuhan na ng kidnapping

-

Pormal nang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong kidnapping laban sa yaya ni Geraldine “Dindin” Palma na si Marites On­tog matapos na ma­kakalap ng ebidensiya na ito ang promotor sa pagkidnap sa kan­yang alaga. 

Ayon kay NBI-Special Inves­tigator Darwin Francisco na luma­labas sa kanilang imbesti­gasyon na si Ontog din ang utak  sa nabanggit na pagdukot kay Dindin ngunit hindi pa naman pinapangalanan kung sinu-sino ang posibleng kasabwat nito.

Gayunman, hindi isinampa ng NBI ang kasong murder laban kay Ontog dahil sa hindi pa rin napapatunayan na si Dindin ang batang pinaslang at isinilid sa maleta noong Aug 16 sa Manila Bay.

Tumanggi naman si Fran­cisco na pangalanan ang mga kasabwat ni Ontog dahil patuloy pa rin umanong kumakalap ng ebidensiya ang NBI laban sa mga ito.

Sinabi pa ni Francisco na si Ontog umano ang kasama ni Dindin nang dukutin ang huli   ng mga armadong lalaki sa Pasig City at ang pagkabigo nito na lu­mu­tang at makipag­koop­erasyon sa mga awtoridad para mag­bigay linaw sa pagka­wala ni Dindin.

Ilang araw matapos na ma­wala si Dindin ay tumawag uma­no si Ontog sa pamilya Palma at humingi ng P10-M hanggang sa magkatawaran at bumaba sa P245,00 ang ransom sa apat na araw na negosasyon.

Ang negosasyon ay naka­takda sana noong Agosto 14 ngunit hindi natuloy dahil sa pangamba ng mga suspects na mamonitor sila ng pulisya.

Samantala, isang linggo na lamang umano ay mailalabas na ng NBI ang resulta ng DNA test sa bangkay ng batang nakuha sa maleta para mabatid kung ito nga si Dindin.

Bukod sa kasong kidnapping ay isinampa din kay Ontog ang kasong paglabag sa Republic Act 7610-Anti Child Abuse Act.

Una nang pinahukay ang bangkay ng batang hinihinalang si Dindin matapos na magpa­hayag ng pagdududa ang MPD- Homicide division na ito ang   batang Palma dahil na rin sa umano’y pagkakaiba ng den­tal record at height nito na naka­tala sa St. Paul-Pasig. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANTI CHILD ABUSE ACT

DARWIN FRANCISCO

DINDIN

MARITES ON

ONTOG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with