^

Metro

Seguridad ikinasa na sa ASEAN

-

Ikinasa na kahapon ng Southern Police District (SPD) ang pag­pa­paigting ng seguridad para sa gaganaping Association of South East Asian Nation (ASEAN) Economic Ministerial Conference na gaganapin sa Makati Shangrila Hotel sa Agosto 15 hanggang 28. Kaugnay nito isinailalim na kahapon sa mahigpit na inspeksiyon at pagsasanay ang crowd dispersal unit ng SPD para matiyak na kumpleto ang kanilang kagamitan sakaling kailanganin ang kanilang serbisyo laban sa mga grupong posibleng magsagawa ng kaliwa’t  kanang demonstrasyon o rally sa nasabing pagtitipon. Ayon kay SPD Director Chief, Supt. Roberto Rosales, sila ang inata­sang manga­laga sa seguridad ng mga delegado at sa pagpa­panatili ng kaayusan at katahimikan habang isinasagawa ang nasabing pagpu­pulong ng mga kasapi ng ASEAN. Sinabi pa nito na nakahanda na rin ang kanilang plano at estratehiya upang hindi malusutan ng mga raliyista. Gayundin, nakahanda rin silang uma­yuda sakaling kakailanganin ang CDM ng SPD kaugnay sa nalalapit na pagbasa ng hatol kay dating Pangulong Joseph Estrada na tiyak na dudumugin ng mga loyalista sa Sandiganbayan sa Lunes. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASIAN NATION

DIRECTOR CHIEF

ECONOMIC MINISTERIAL CONFERENCE

MAKATI SHANGRILA HOTEL

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

ROBERTO ROSALES

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with