^

Metro

2 sekyu inutas ng kapwa sekyu

- Rose Tamayo-Tesoro -

Namatay noon din ang dalawang sekyu makaraang kapwa pagsasaksakin at pag­babarilin ang mga ito ng ka­nilang kasamahan ding secu­rity guard na rumesbak dahil sa pangangantiyaw ng dalawa, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Charlie Consorte at Danilo Alino na nagtamo ng mga saksak at tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.

Batay sa ulat ni SPO1 Conrad Mapili, may hawak ng kaso na dakong ala-1 ng ma­daling-araw nang mangyari ang krimen sa loob ng Star Packaging Corp. na matatag­puan sa Bagong Kalsada St. Ususan, Taguig City kung saan nakaposte ang mga biktima.

Ilang minuto matapos ang nasabing insidente ay agad namang naaresto ng pulisya ang suspect na si Ronald Antonio, 32, stay-in guard sa na­banggit na establisimento.

Nabatid na bago ang na­ganap na krimen ay masaya pang nag-iinuman ang dala­wang biktima kasama ang suspect at habang nasa kala­gitnaan ng inuman ay kinan­tiyawan ng dalawa ang huli  na lihim naman nitong dinamdam.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na hi­nintay lamang ng suspect na kapwa malasing at mahimbing na makatulog ang dalawa saka nito isinakatuparan ang paghi­higanti  kung saan ay una nitong pinagsasasaksak at pinagbabaril si Alino at saka isinunod naman si Consorte.

Ilang residente malapit sa lugar ang nakarinig sa sunud-sunod na putok ng baril kaya agad ma tumawag sa pulisya at dito na rin nadakip ang suspect.

vuukle comment

BAGONG KALSADA ST. USUSAN

CHARLIE CONSORTE

CONRAD MAPILI

DANILO ALINO

ILANG

RONALD ANTONIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with