^

Metro

MJ: “Si Carol ang uma­buso sa akin”

-

Ang negosyante at dating kongresistang si Mark Jimenez ang inabuso umano ng live-in partner niyang si Carolyn Castañeda at ng pamilya nito noong naka­kulong pa siya sa Amerika.

Ito ang sinabi sa mga mamamahayag ng abo­gado ni Jimenez na si Frank Chavez bilang pag­lilinaw sa akusasyon ni Castañeda na inabuso ito ng dating mambabatas noong nagsasama pa sila.

Ayon pa sa abogado, live-in partner lang ni Jimenez si Carol sa Pilipinas dahil hindi kinikilala sa bansa ang kasal ng mga ito sa Amerika.

Tiniyak ni Chavez na itutuloy ni Jimenez ang pagsasampa ng mga kasong estafa, swindling at rocketeering laban kay Carol, kapatid nitong si Rose Flaminiano at maging sa kanyang mga anak na sina Virgilio Crespo, Marcel Crespo, Myla Crespo-Villa­nueva at ang manugang na si Generoso Villanueva at pamangkin na si Jocelyn Crespo.

Sinabi rin ni Chavez na hindi totoo ang ipina­lalabas ni Carol na ginigipit siya ni Jimenez  sa pera, dahil ang katotohanan ay maluho umano ito. (Butch Quejada)

vuukle comment

AMERIKA

BUTCH QUEJADA

CAROLYN CASTA

CHAVEZ

FRANK CHAVEZ

GENEROSO VILLANUEVA

JIMENEZ

JOCELYN CRESPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with