^

Metro

DOE taps 3 more foreign consultancy groups for PSALM

- Donnabelle L. Gatdula -

Agad na nasawi ang isang binatilyo makaraang mahagip ng isang rumaragasang bus nang tangkain nitong tumawid sa EDSA sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Basag ang bungo matapos na bumagsak sa semento ang biktimang nakilalang si Eddie Bralda, 17, at residente ng Royal Avenue, Muñoz, ng naturang lungsod.  Nakilala naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Marcelino Vergara, driver ng bus ng Mass Transport na may plakang (PYJ-350).

Sa inisyal na ulat ng QCPD-Traffic Management Group, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa kahabaan ng EDSA sa tapat ng Muñoz Market. Mistulang nakikipagpatintero sa mga sasakyan ang biktima habang tumatawid ito ng EDSA nang mahagip ng bus na minamaneho ni Vergara na hindi nakaiwas kay Bralda.

Agad na tumalsik sa kalsada ang biktima at nabagok ang ulo sanhi ng agad nitong kamatayan.  Mabilis namang pinasibad ng driver ang kanyang bus upang tumakas ngunit nakilala pa rin ito ng pulisya nang tawagan ang kumpanya nito at tukuyin ang kanyang pagkakakilanlan. Nakiusap naman ang pulisya sa pamunuan ng Mass Transport na isuko si Vergara at kung posibleng sagutin ang pagka­matay ng biktima.  Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Vergara. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

EDDIE BRALDA

MARCELINO VERGARA

MASS TRANSPORT

QUEZON CITY

ROYAL AVENUE

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

VERGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with